intoxxicated.net
HOME SHE DOMAIN LINKS JUNKS SCREAM

July 24, 2008 at 7:32 pm

6:45 AM na, kailangan ko nang umalis sa bahay dahil malelate ako sa unang klase ko para sa araw na yun — NatSci1. Eh sabi ko naman sa sarili ko, “Sus, kahit nga five minutes before dismissal na ako pumasok, ayos lang.” Eh kaso, di talaga ako sanay malate at di pa ako nalalate ever kahit nung high school. Nagmamadali na rin ako dahil makikipag-agawan pa ako ng espasyo sa loob ng jeep para lang makasakay tanghali na kasi kaya marami ng nag-aabang, eh pinag-day off at pinag-starbucks ko muna yung driver namin. Echos! :P HAHA! Sana lang may driver ako at may magarbong oto. Wish ko lang.

Sa kabutihang palad, nakapara agad ako ng jeep. Ngunit sa kasamaang palad naman, halos di na makaupo ang pwet ko sa upuan, puro mga gigantic people kasi ang mga katabi ko — sa liit kong ito, mapipipi ako.

7:15 AM — dumating ako sa UP at naglakad na naman ng pagkahaba-haba papunta sa College of Science Library / Auditorium. Pagod na pagod na naman ako, ang haggard na naman ng beauty ko. Jusme. Bago pumunta sa baba kung saan nandun ang auditorium, nagpaganda muna ako. Syempre. Nung bumaba na ako, narinig ko ang tiyan ko na kumakalam dahil di ako nakakain ng almusal sa pagmamadali. Oh well, actually, di naman ako nag-aalmusal talaga dahil nakakatamad kumain sa umaga.

Tumingin ako sa canteen, kaso mapapaaga ang gastos ko kaya wag na lang. Naghanap ako sa bag ko at nagbabakasakali na may naligaw na pagkain dun! At hallelujah, may sky flakes ako sa bag!

Pinutol ko muna sa tatlong piraso gaya ng dati.

Binuksan ko.

Kinuha ko ang isang piraso ng sky flakes.

Nilagay ko sa bibig ko.

Nginuya ko.

Wala akong nafeel.

Inulit ko ulit.

Kinuha ko ang isang piraso ng sky flakes.

Nilagay ko sa bibig ko.

Nginuya ko.

Wala pa rin akong nafeel.

Doon ko narealize na di masarap kumain ng sky flakes kapag mag-isa ka.1 Wala talaga akong nafeel ng mga oras na iyon. Walang lasa ang sky flakes. Para lang siyang isang bagay na ipinasok ko sa maliit kong bibig. Naalala ko tuloy nung fourth year high school ako, favorite ko ang sky flakes na pagkain tuwing Econ / English time namin. Napakasarap ng sky flakes ng mga araw na yun dahil may kasalo ako — sila Mariah, Gimmie at Ian Kim. At minsan buong klase pa. Mas masarap, mas may lasa, mas enjoyable.

Yan ang natutunan ko. Mas masarap ang sky flakes kapag may kasalo.

Kaya friend, you want sky flakes?

  1. except kung may kasamang creamy coffee! haha! []


Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


19 Responses to “Kwentong Sky Flakes.”

  1. My Gravatar
    Kandis SAID;
    July 24, 2008 at 7:46 pm

    HAHA. Ayos to ah. Maka rebisco ako ee, mas may lasa, mas masarap. :P

  2. My Gravatar
    Noime SAID;
    July 24, 2008 at 8:35 pm

    wahahaha. kaya ako minsan tinapay na may palaman talaga ang kailangan na dinadala ko. di kase ako mahilig sa crackers eh. hehe. <3

  3. My Gravatar
    isha SAID;
    July 24, 2008 at 9:29 pm

    antaray ng story, agree. mas masaya nga po talaga kapag may kasalo ka pong kumain. hihi.

  4. My Gravatar
    Tric SAID;
    July 24, 2008 at 9:38 pm

    Onga. Mas masarap. Mas masarap din pag yung pagkain hiningi mo lang. Ewan ako ah, mas nasasarapan ako sa mga pagkaing hinihingi ko. Hahaha. :)

    Changed my link pala Ayiene! Thanks.

    Lapit na Aug4!

  5. My Gravatar
    Keiyt SAID;
    July 24, 2008 at 10:14 pm

    Eh, kumain din ako ng sky flakes kaninang psychometrics namin :)) kaso ayaw nung mga katabi ko kaya nilamon ko lahat. Okay lang, may kakwentuhan naman ako e :profile:

  6. My Gravatar
    FerBert SAID;
    July 25, 2008 at 5:39 am

    wow parang commercial lang ah.. hahaha

    lagi akong may baong sky flakes pag nasa school..

    di mo rin kase alam kung kelan ka daratnan ng gutom.. kaya umiiral ang pagkaboy scout ko.. laging handa…

  7. My Gravatar
    mei SAID;
    July 25, 2008 at 3:47 pm

    hahaha commercial? haha. :P aww, i miss sky flakes tuloy. lol. :P

  8. My Gravatar
    Pahn SAID;
    July 25, 2008 at 6:17 pm

    naku, naalala ko ung moment ko with the skyflakes commercial model,, kwentong skyflakes din kaya un,, hahah

  9. My Gravatar
    Claire SAID;
    July 25, 2008 at 6:29 pm

    Haha. Pinag-starbucks ang driver.. susyal na sana sabay echos pala. Haha!

    super ako din pag sa umaga ang hirap hirap kumain.. no? basta ang hirap lunukin. Grr. kaya nung asa pinas ako hindi ako nakain ng almusal e.

    ang drama ng entry mo yan lang pala! haha! may moral lesson palang nabibigay ang sky flakes! hahaha. xD naalala ko tuloy sabi ng Filipino teacher ko 2 years ago.. moral lesson dun sa binasa naming maikling kwento: “Bawal kumain ng Chiskarls.” Hahaha. LOL.

  10. My Gravatar
    Wanits SAID;
    July 25, 2008 at 7:07 pm

    Waaa, hassle ba mag lakad sa UP?! parang di pa ‘ko tuloy handang mag college, hindi ko pa naman gustong maglakad ng daming-dami! eh ngayun panga lang na 3rd floor yung classroom namin hingal nako, siguro lalo na lalo yaaaan! HUHUHU, kakayanin ko kaya??! HAHAHA, nag drama!

    Kakatuwa ka talaga mag blog ate Ayiene, para kang nag aadvertise =)) habang binabasa ko to, parang naisip ko na never pako kumain ng sky flakes ng mag isa, para lagi akong may kakwentuhan pag nakain ako nun kaya laging masrap? ganun pala ang magic ng sky flakes. :)) infairness, mas gusto ko ang sky flakes sa magic flakes… :)) hahahaha ;))

    Nakow, dahil matakaw ako every breakfast hyper padin ako pag nakain :)) manghihina ako sa skul pag di ako kumain~ KAYA AKO NANANABA… HAHAHA!

    the end. (lolz)

  11. My Gravatar
    Lissie SAID;
    July 26, 2008 at 9:14 am

    Masarap talaga ang pagkain pag may kasalo. :hug:

  12. My Gravatar
    Aisha SAID;
    July 26, 2008 at 9:42 am

    nyahahahahaa.. ntwa ako sa post na to pti skyflakes nagka story e no hahaha pero ttoo naman tlg haha

  13. My Gravatar
    Sheryl SAID;
    July 26, 2008 at 5:08 pm

    Naku masarap ang skyflakes kapag may kasamang pantulak hehe *softdrinks* woot~!
    akala ko ung commercial na chippy …. naalala ko lang :P
    buti ka pa maaga napunta sa school at di pa ever nalalate haha. ako tamad pumasok ng maaga except kapag first month ng school year, w/c is “june” haha.

    pero infairness, yummy talaga ang skyflakes kahit na un lang ang kainin dba? mas sikat pa un kc simple ang lasa…mura pa!

  14. My Gravatar
    cars SAID;
    July 26, 2008 at 5:34 pm

    LABLAB ko yung sunog na skyflakes! Hahaha.

    Pero oo nga naman, parang walang kwenta ang skyflakes pag walang kasama. =)) Hang deep naman ng inisip mo tungkol sa skyflakes!

  15. My Gravatar
    Yvette SAID;
    July 26, 2008 at 6:54 pm

    Kahit ano mang pagkain, basta may kasama ka lalo na kung mahalaga sayo, masarap talaga. :D

  16. My Gravatar
    chester SAID;
    July 26, 2008 at 8:41 pm

    mag uUp din ako.

  17. My Gravatar
    yvan SAID;
    July 27, 2008 at 3:10 pm

    Nakakatuwa yung story mo about sa sky flakes… Hehehe… Pero totoo, may mga bagay talaga na mas masarap either kainin o gawin when you have someone or a lot of someone (hehehehe!) with you. :)

  18. My Gravatar
    Mayee SAID;
    July 27, 2008 at 5:27 pm

    haha nice. :)

  19. My Gravatar
    Sandra SAID;
    July 27, 2008 at 6:39 pm

    AHAHA i agree! mas masarap talaga ang sky faleks pag may kasalo. at sa room namin.. may tinatwag na kaming sky flakes factory. hahaha lahat kami may sky flakes. salusalo. ;)

POST A COMMENT.