|
June 10, 2008 at 8:54 pm
I cannot put into words how happy I am today. Super duper mixed emotions. There’s the anxiety,the feeling of bliss and excitement.. basta super mixed!
Balik Kisay. Bumalik ako ng Kisay kaninang umaga bago ako pumasok sa UP Diliman. Hinatid ko yung kapatid ko na magfifirst year dun. Nakita ko yung mga dati kong teachers at as usual, nagulat na naman sila dahil nandun ako. Sabi pa nila, “Akala ko tapos na ko sa’yo, may kasunod pa pala. Eh, ano naman? HAHA.
UP Diliman. After pumunta sa Kisay, nakipagkita na ako sa mga classmates ko para sabay-sabay kami pumunta sa UP. At nung nasa University Theater na kami, nagparegister kami at binigyan ng CD as souvenir. After nun, pumasok na kami sa loob ng theater. Nagpakilala lang yung mga deans at iba pang officials, nagsalita yung Student Council, pati na rin yung representative naming mga freshies na Oblation Scholar. Nagperform rin ang UP Pep Squad! Yun talaga yung hinihintay namin eh! U-nibersidad ng Pilipinas! Actually, nabuhayan lang ako nung nagperform yung Pep Squad, inaantok-antok pa ako before nun eh. Tapos habang nagpeperform yung pep, pumasok yung mga nag-rarally para i-rollback yung tuition fees. Nagulat lang ako kasi hindi sila sinasaway. Mga patikim ng UP.




After nung orientation, lumabas kami sa theater and..
I saw Karla!
Nagulat talaga ako! Nung una, nahihiya ako lumapit kasi baka hindi naman si Karla yun, pero luckily, namukhaan niya ako! HAHA! I love you Karla! Buti na lang talaga! Sayang, I didn’t saw Cars and Ate Nika! Di bale, next time, we’ll see each other!
After nun, puntahan na sa sariling Blocks, at sa kinasamaang palad, wala pa yung mga handlers nung G-12 Block namin, at dahil makapal ang mukha namin, kami na ang sumigaw na “G-12!! G-12!!” at sa kinagulat-gulat namin, aba, ang dami ng sumusunod sa amin! Doon namin nakilala si Rose, Stanley, Morgan at yung isa pang lalakeng nakalimutan ko na ang pangalan.
After ilang minutes na pagttrying hard naming maging block handlers, nakita rin namin ang totoo naming block handlers at pumila na kami. We went to an open space tapos dun kami nagpakilala, nagkaroon ng block orientation and ate our free lunch na hindi ko kinain kasi masakit yung pinaglagyan ng rubbers sa ipin ko. Dun namin nakilala si Hanna, ang blockmate namin from Riyadh. Nakilala rin namin yung iba pa naming blockmates at yung galing sa sister block namin.
Pero sa huli, kami ni Rose, Mariah, Audrey, Finella at Monica ang nagsama-sama. Super bonding and kwentuhan - mga feeling close na.
After ng block orientation, nilakad namin from Univ Theater hanggang Math Building at infairness, ang layo niya! Napagod kami nun! Nag-Math 17 na kami at mukhang terror ang teacher. IDK, di lang ako comfortable sa kanya. Bukas magkaklase na nga kami sa kanya eh.
Mga fifteen minutes lang yung Math17 since attendance lang naman ang kinuha at little discussion about sa mangyayari. After nun, super bonding kami nila Rose, Hanna, Audrey at Mariah. Ewan, parang destined kami maging friends eh. Biruin mo, pagpinagtabi-tabi kami, alternate ang colors ng damit namin: Audrey (Brown), Mariah (Green), Rose (Brown), Me (Green), Hanna (Brown)! O diba! Ayun, super tuksuhan at kulitan agad, kuhanan ng numbers at y!m IDs. Basta parang ang tagal na namin magkakakilala. Pinakilala rin kami ni Hanna kay Michael na Pol Sci yata ang course at kay Erik na Chem Eng’g ang course, pati nga sa kanila super feeling close kami!
Pagkatapos nun, pumunta kami ng Sunken Garden para i-meet ang BF ni Mariah. At dahil ayaw naming mang-istorbo, Audrey, Rose and I went home na lang. So ayun, the first day ended na. Super saya!
Balisa. Ewan, parang ako yan ngayon eh. Siguro kasi naculture shock ako, naschock ako sa Math17, nashock ako sa prof o sobrang di ko lang talaga alam ang mangyayari.
Ewan. Kaya ko to! Tira tira! 
Dinownload ko pala yung Centennial song nung UP. HAHA. Natuwa naman ako! UP, ang galing mo!
HAHA. Sorry kung mahaba.
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
16 Responses to “UP, Ang Galing Mo!”
POST A COMMENT.
|
mia SAID;
June 10, 2008 at 8:59 pm
parang ang saya pumasok sa school ulit. hehehe
kaya mo yan ayiene! ikaw pa! miss you
Keiyt SAID;
June 10, 2008 at 10:17 pm
Yay, mukang nag enjoy ka naman ng sobra. :] Nakakatuwa tignan yung mga first year, gusto ko kasing balikan yung first day moments ko e :)) Nakakatuwa kasi e.
Kami din, parang nagusap usap ng dadamitin. Ang saya lang. :]]
Ayon, good luck pa sa next days at sa MATH :]
Aisha SAID;
June 11, 2008 at 1:25 am
hi sis pede palink ng aisha.iheartyu.net ko? pero wag mo alis un screamo.. pls tel me wen u do ty po
haha gnun lgi banat ng mga titsers no? mga buset un NYAHA pero nkktuwa
charchar SAID;
June 11, 2008 at 12:45 pm
hi sis… sorry to rush this… i’m in a hurry eh… and this is like off-topic or something… hope yah don’t mind… i just drop by to see if yah okay with yah damn sexy life… take care po… always tc… mwuaaah…
Claire SAID;
June 11, 2008 at 4:42 pm
Waa. Kahit pala nagppractice parang naka-uniform paden sila nuh? Hehehe. X)
Ang kyut eh. Ang swerte mo naman, nakita mo na ibang bloggers. :p
Ako ata impossible pa eh. Hahahha!
May plano nga ako eh, pagbalik ko ng pinas sa december, magmeeting tayo lahat- ahahaha.
Anna SAID;
June 11, 2008 at 8:58 pm
Yehey! I’m glad you enjoyed your first day of being a college freshman! Astig naman dyan sa UP, you got kickass souvenirs such as that CD tapos yung magandang booklet!
Aww, di mo nakita si hostee Cars. Sayang. Pero malay mo you have a class na classmate mo siya?
Btw, now that you’re in UP.. sometime in March next year mapapanood mo na uli Pupil. Lol. Sure na yan na they have a spot sa gigs ng UP during March — I forgot kung anong tawag dun e.
Noime SAID;
June 11, 2008 at 9:25 pm
akala ko ang konti nung pinost mo, nung ‘kinontinyu’ ko aba eh, talagang tatlong beses nun. haha. *sana naintindihan mo sinabi ko*
grabe, college na nga tayo. nakakatuwa na ewan.
buti marami ka ng friends, ako din eh. hehehe.
Mayee SAID;
June 11, 2008 at 9:50 pm
hi ayiene! haha ang galing mo naman, nahanap mo blog ko! ehehe.
mabuti naman at naenjoy mo ang first day mo. hehe. good luck on freshie life! if you need anything at all, just let me know.
Mayee SAID;
June 11, 2008 at 10:56 pm
Hehe nabasa ko lang sa sidebar mo.. I heart Edward Cullen tooooo.
mei SAID;
June 12, 2008 at 11:12 am
aww.
glad you enjoyed your first few days, dear.
the posts mid-semester would never be the same. you’ll be whining when you get project deadlines already. hahaha.
and btw, animo La Salle! hahaha
Bernadeth SAID;
June 12, 2008 at 12:55 pm
haven’t heard of kisay? san un? hahahaha
Sherica SAID;
June 12, 2008 at 1:27 pm
Mukhang super enjoy ka sa iyong first day ah! hehehe, anu ba yun mga nagrarally at di sinasaway hehehe. Anypooo sayang at di mo nakita si Cars at Ate Nika, teka diba si ate Nika eh UST? :-s
chester SAID;
June 12, 2008 at 4:23 pm
galing ah. nagkakitaan kayo ni karla. haha.
Yesha SAID;
June 13, 2008 at 3:22 am
glad to read that your day went ok and you are happy..
good luck on your school
tc always
xoxo
mnel SAID;
June 13, 2008 at 7:56 pm
namimiss ko ang mga rallyista ng UP.
welcome to UP ayiene!
jenny SAID;
June 15, 2008 at 7:16 am
congrats in making it to UP! promise it’ll be worth it
kapag 4th year ka na, parang ayaw mo na umalis dun pero YOU JUST HAVE TO. trust me. been there, done that. lol.
God Bless!