intoxxicated.net
HOME SHE DOMAIN LINKS JUNKS SCREAM

April 23, 2008 at 9:55 pm

Isa ring dahilan kung bakit di ako nakapagpaalam sa mga pinsan kong umalis para bumalik ng America ay ang pre-enlistment ng mga UP Diliman freshmen.

7PM - isang oras na lang bago ang pre-enlistment ng UP at dahil dito mas pinili kong manatili sa bahay kesa pumunta sa lola ko kung saan nagsama-sama ang aking mga kapamilya dahil huling hapunan na yun na buo ang pamilya dahil ilang oras na lamang ay babalik na ang mga pinsan ko sa America. Dahil medyo kabado ako sa pre-enlistment kaya mas minabuti ko manatili sa bahay upang magkaroon ng conference sa mga ka-course ko sa UP upang maging pareho ang schedules namin.

8PM - pre-enlistment time na. Pagpunta ko sa site ng Freshman Pre-enlistment, tumataginting na PROBLEM LOADING PAGE ang nakita ko. Ay anak naman ng kabayo! Nagcrash ang sever nila o sadyang nagbandwidth exceeded sila dahil sabay-sabay kami lahat pumunta sa site na yun. Lumipas ang ilang oras, Problem Loading Page pa rin!

Nagsisi ako. Mas mabuti na lang sana na sumama ako sa hapunan doon sa bahay ng lola ko. Bakit ganun? Sana nakapagpaalam ako kay Moshley, kay Matthew, kay Tita Mely. Sana nakakiss pa ako sa kanila, sana nayakap ko pa sila. Kaso di ko nagawa yun dahil sa paghihintay sa pre-enlistment na yan na ang napala ko lang ay Problem Loading Page! Sana di ako nagsisisi ngayon. Sana medyo nakamove-on na ako sa pag-alis nila.

Naaalala ko tuwing umaga, ginigising ako ni Moshley para lang sabihan “Good Morning, Ate Ayiene.” sabay kiss sa akin. Naaalala ko na bago kami matulog, hahalik siya sa akin. Namimiss ko na yung mga yun. Naguguilty ako kasi di ako nakapagpaalam. Nung umaga ng April 20 huling nakita sa Moshley. Nakakalungkot. Nakakapanghinayang.

At kahapon, habang nagsisisi, pinuntahan ko ulit yung site ng Pre-enlistment at sa awa ni Papa Jesus, maayos na siya. Ang napag-usapan naming mga ComSci students ay sa G12 Block kami. Bakit? Aba malay ko, nagandahan kami sa sched. Oo nga pala, nakaayos na talaga yung sched namin. Hindi kami pumili ng subjects o ng oras - nakaayos na siya. Ok naman yun para mabawas-bawasan ang iniisip ko. At kung may mangyari sa G12 Block, ang may sala ay ang gumawa ng schedule. At least di kami masisisi. Kinakabahan na talaga ako para sa Kolehiyo. Computer Science - puro codes. Codes, codes, codes. Hay buhay! CODES! Buti na lang nandiyan si Ate Ava, isang mabuti kong kaibigan na magsesecond year na sa ComSci ng UP, upang bigyan ako ng mabubuting payo upang malampasan ng maayos ang ComSci kahit papaano.

Ito pala schedule ko:

Sched.

Wala kaming pasok tuwing Monday. Tapos Folk dance yung PE ko. Sayaw Ayiene, sayaw. 7-8 AM pa. Ang aga ko naman magiging mabantot. Muahaha. Mahirap daw ang NatSci 1 ko. Ang Kas1, masaya daw. Yung Math17, carry naman daw. Yung iba, di ko alam eh. Ito na to - magkokolehiyo na ako.

Isa na namang bagong yapak sa aking buhay. Isang na namang panibagong apat na taon. Isa na namang bagong hamon. Makakaya ko kaya? Kakayanin.


Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


23 Responses to “The Beginning.”

  1. My Gravatar
    jacque SAID;
    April 23, 2008 at 10:09 pm

    wow kakaexcite naman ng college, :heart:

  2. My Gravatar
    xienahgirl SAID;
    April 23, 2008 at 10:41 pm

    mainam nga yun at wala kang pasok ng lunes
    hindi manic ang monday

    tangina corny ko
    hahaha

    at folk dance ang PE?
    eksaytment

    weh ako rin
    namimiss ko na rin si moshley
    hahaha

  3. My Gravatar
    janine SAID;
    April 23, 2008 at 10:51 pm

    whew.. ang college. haha! nakakaexcite na nagagandahan na ewan :profile:
    haha! gudluck to u ate ayiene!

  4. My Gravatar
    Anna SAID;
    April 24, 2008 at 9:38 am

    this is it!! actually hindi pa naman kasi sa june pa pasukan niyo right? ako kasi next month lang eh.. heh kabanas! :]]

    masaya yan! kahit di ako tagaUP masasabi ko na block section rocks, dinibdib ko nga nung nade-block na kami eh. kasi antisocial ako hindi ko carry makipagfriends. ayun nahirapan ako makipagfriends nung 3rd term. :(

    di ba pwede sa block mamili ng PE? kasi si cars (hostee ko) scuba diving ung PE niya eh, naastigan lang ako dun. parang woah my pool/dagat sa UP? hehe. buti ka pa monday alang pasok, thursday naman saken. ;) okay na rin kesa walang “walang pasok”, diba?

    see ya later, co-drew fuller fan! :P

  5. My Gravatar
    Kandis SAID;
    April 24, 2008 at 10:34 am

    Nasa huli nga ang pagsisisi Ate Ays. :( Pero okay na rin yun, kasi mas mahihirapan kayo mag hiwalay ng mga pinsan mo pag nagkita pa kayo that time. Mas magiging sad ka. Anyway, good luck sa college life mo. Isang taon nalang, mag kokolehiyo na rin ako. Shet naman. :( Kinakabahan na ko. :)) Waw Ate. Masaya sumayaw, masaklap lan mangamoy. Ang aga-aga amoy paweis. :P

  6. My Gravatar
    andrea SAID;
    April 24, 2008 at 10:45 am

    WEEEE. naeexcite din ako para sayo bb sis. ;) good luck talaga sa college life. kaya mo yan! gaya nga ng sabi mo, kakayanin.. weee!

    awww..ang sweet sweet naman nung pinsan mo., haayy. nasa huli talaga lagi ang pagsisi.. hmm.. kabadtrip naman ung nangyari sa iyo..

    goodluck talaga sis. :) mwahh!

  7. My Gravatar
    Elise SAID;
    April 24, 2008 at 10:59 am

    Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ilang beses na nangyari sakin yun. Sobrang umiyak talgaa ako. :)) Haha. Anyway. At least now, everything is settled, and you don’t have to worry about your scheds anymore. Folk dance? Ayes naman. :>

  8. My Gravatar
    Clarisa SAID;
    April 24, 2008 at 11:22 am

    Incoming college freshman din ako! Di ko pa nga alam yung sched ko eh, this coming Monday makukuha ko na! I’m freaking excited! :)
    IT naman yung kukunin ko. Good luck sayo!

  9. My Gravatar
    Hiyono SAID;
    April 24, 2008 at 11:56 am

    Ang hirap talagang pumili sa pagitan ng dalawang “once-in-a-lifetime lang”, ano? :? Ang talino mo naman at UP Diliman ka. Good luck sa pressure dyan sister! Hahaha. Ingat sa kolehiyo…

    …could we be blogmates? Lulz! :angel:

  10. My Gravatar
    Hachiko SAID;
    April 24, 2008 at 12:24 pm

    Aw..i’m sure malungkot si Moshley ngayon dahil hindi ka man lang niya nakita sa huling araw niya dito sa Pinas…

    Good luck next sem! :)

  11. My Gravatar
    Yesha SAID;
    April 24, 2008 at 1:45 pm

    aww…good luck on your college life.
    have fun ..
    your cuz is soo sweet..:)

    xoxo

  12. My Gravatar
    Babyjen SAID;
    April 24, 2008 at 3:34 pm

    naku.. goodluck sa college sis! tulad tayo college na!! weeee.. :heart:

    Take Care!
    -xoxo-

  13. My Gravatar
    Armina SAID;
    April 24, 2008 at 5:16 pm

    ayiene! alam mo ba kinaumagahan na rin ko nakapasok dun sa site. haha. depression. gud luck saten sa comsci. hahaha. bonding with CODES na ito. hahaha. practice practice na tayo. hahaha. :) :haha:

  14. My Gravatar
    Noime SAID;
    April 24, 2008 at 6:01 pm

    Ako, walang kaide-idea sa sched ko. Subjects palang ang meron ako. Haha.
    Goodluck!

  15. My Gravatar
    Camz SAID;
    April 24, 2008 at 6:28 pm

    Ate Labs! Nako naman yun pala yung reason kaya di ka nakasama sa parang farewell, tapos biglang di gumagana yung site. Grabe ha! Ang disspointing nun. But like what i’ve said, you shouldn’t worry, kahit malayo kayo alam kong iniisip ka nung dalawa mong sweetie pie na cousins! :)

    Goodluck sa college life ate labs! Buti naman at happy ka sa schedule mo! Goodluck ate ha! Kaya mo yan! haha! labya! :* mwah!

  16. My Gravatar
    shane SAID;
    April 24, 2008 at 6:39 pm

    kung ako rin magsisisi rin ako… pero la na magagawa nangyari na di ba? good luck sa folk dancing! hehehe…

  17. My Gravatar
    Sheryl SAID;
    April 24, 2008 at 8:11 pm

    Natutuwa ako sa entry mong ito sis..tagalog na tagalog hehe..tapos ung title english =P
    anyways, mabuti at nakapili na kayo ng block, tsaka ok narin un kasi ung napili nyo eh madali nalang kasi magkakasama sama na kayo ng friends mo.

    natawa naman ako nun problem loading page pa site nila kelangan nila iupgrade ung server nila haha XD goodluck sis sa college life~ ako next sem muna ako papasok O.O

  18. My Gravatar
    Lissie SAID;
    April 25, 2008 at 1:25 am

    Walanjong Problem Loading Page yan ano? Hayy naku sis. Goodluck sa college life. Kaya mo yan, aja!

  19. My Gravatar
    karmi SAID;
    April 25, 2008 at 3:34 am

    aja ayiene! kaya mo yan. :) hehe, mamahalin mo nga ang codes at kung anu-anong programming language, minahal ko rin yan ng 4 na taon.. ^_^

    gudlak. gudlak. :D

  20. My Gravatar
    Keiyt SAID;
    April 25, 2008 at 7:19 am

    Ang sad naman ng ganun, may hinihintay kang thing pero hindi naman dumatin. Eh pinagpalit mo pa yun sa mas mahalaga sa araw na yon. :)

    Buti naman at nakakuha ka ng magandang schedule. :) Good luck sa college life!

  21. My Gravatar
    Sheryl SAID;
    April 25, 2008 at 10:47 am

    about sa question mo sis.. sa next entry ko sis sasabihin…ipopost ko sa password-protected entry. >_<

  22. My Gravatar
    mnel SAID;
    April 25, 2008 at 11:34 am

    Alagaan mo ang Math 17 mo. Yan ang sumasala sa mga freshies ng UP. ;-)

  23. My Gravatar
    joelle SAID;
    April 25, 2008 at 11:47 am

    hi.bagong taga-daan. =)

    wow UP. :D

    i hope na ma-enjoy mo ang college, sure naman kaya mo yan eh. hehe. :smile: kaya yan. kumbaga another chapter of your life’s book. (ano daw?)

    hehe t.c. po~ =)

POST A COMMENT.