|
April 22, 2008 at 11:11 am
Kakaalis lang ng tita at mga pinsan ko kaninang umaga - mga 1AM. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kaniya at sa paborito kong pinsan na si Moshley at sa kanyang super cute na kapatid na si Matthew. Alam mo kung bakit? Kasi kapag nakita ako ni Moshley, iiyak na naman yun at sasabihing “I don’t want to go back. I don’t want United States.” Kaya di na talaga ako pinakita sa kanya. Mahal na mahal kasi ako nun. Ako paboritong pinsan din nun eh. Naalala ko nung nandito pa sila, kung nasaan ako, nandun din si Moshley. Hindi siya aalis kapag hindi ako kasama. Nakakatuwa naman. Sabi pa nga niya dati, “I want you to come back (in US) with us.” Na-touch naman ako dun. Love na love niya talaga ako.
Ayaw na bumalik ni Moshley sa America. Sabi ng tita ko, dun daw kasi, school - bahay - school - bahay lang siya. Yung mga kamag-anak naman nila nasa San Diego, Los Angeles at kung saan pa. Sila nasa Vallejo. Dito, naging masaya si Moshley. Napatunayan ko talagang iba magmahal ang Pinoy. Nakita ko iyon sa kung gaano kahirap patigilin sa pag-iyak si Moshley. Sabi pa niya dito, mas masaya siya kaya ayaw na niya bumalik sa America. Pero hindi naman pwedeng di siya bumalik, kaya wala siyang nagawa kung hindi umiyak ng umiyak na lamang. Naiiyak din ako sa tuwing umiiyak siya kasi naaalala niya na aalis na sila.
Sobrang mamimiss ko siya.
Naalala ko kagabi, pinagsama-sama ko yung pictures namin sa isang CD para ibigay sa kanya. Nag-iwan ako ng mensahe, sabi ko.. “Moshley, I will miss you! Take Care. Love, Ate Ayiene.” Naiyak ako pagkatapos nun. Ewan ko ba. Mahal na mahal ko yung batang yon kahit minsan sobra siyang nahahyper.
 Yan si Moshley. Ang gwapo gwapo niyan kaso chubby chubby.
Si Matthew, ang kanyang kapatid, ang pinkamakulit. Isa ring hyper to. Mahilig niyang sabihin, “Look it!” at “Why?” Ang cute cute niya pag sinasabi niya yun. Kapag yumakap yan, sobrang higpit na hindi ka makakahinga. Pero sa yakap na yun, mararamdaman mo yung pagmamahal niya. Tapos sabay hahalikan ka niya. Kapag nga niloloko namin yan tulad ng “Matthew, you’re dead. I’ll tell you to grandma!” Yayakapin niya kami tapos sasabihin niya “No, don’t tell to Grandma.” Tapos pabulol pa ang pagsabi niya ng mga salitang yan. Mamimiss ko talaga tong bata na to.
 Ang pula ng cheeks niya dito.
After five years pa sila babalik at di ko alam kung bakit. Twenty one na ako nun, at pwedena akong sumama sa kanila pabalik. Si Moshley, 15 years old na nun at baka may girlfriends na rin. Si Matthew, 8 years old na. Baka sa oras na yun, si Matthew naman ang sobrang iiyak. Hay naku. Ang hirap ng ganito, pag sobra kang napapalapit tapos aalis sila. Di bale, magkikita pa naman kami. After five years nga lang. Pero sana matuloy ang pagbalik nila next year.
Mamimiss kita Moshley at Matthew. Mag-ingat kayo diyan. Ate Ayiene loves you.
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
29 Responses to “Goodbyes.”
POST A COMMENT.
|
Shai SAID;
April 22, 2008 at 1:36 pm
got here from Karen. ang cute naman ng magkapatid na yan.
janelle SAID;
April 22, 2008 at 2:19 pm
awww ang sweet naman ng moment na yan yet sad
sana nakabalik sila doon ng safe and sound. ang gwapo naman ni moshly. hehe! saka yung brother nya ang cute cute! parang ang sarap kurutin ng pisngi. hindi na ko nagtataka kung bakit hindi ka nagpakita kasi baka maiyak ka din
andrea SAID;
April 22, 2008 at 2:24 pm
awwttzz. that’s sweet.. nakakatuwa naman sila.. haayyy.. iba nga naman talaga magmahal tayong mga pinoy. hmm,. sana magkita kayo ulit soon..
lunes SAID;
April 22, 2008 at 2:27 pm
hay nakakalungkot naman ng ganyan. ayaw ko ng mga parting ways. mahina ako jan. sus kahit nga sa matanda naiiyak ako. Ano pa kaya sa bata..waaaaah.. sama ka na sakanila pa states..wehehe
FerBert SAID;
April 22, 2008 at 3:06 pm
naalala ko yung mga insan ko na matagal ko na rin di nakikita.. tsktsktsk
Aisha SAID;
April 22, 2008 at 3:40 pm
haha aba gwapo nga type ko
hahaha lagot child abuse haha oonga iba tga sa US eh.. hehe
yona SAID;
April 22, 2008 at 4:57 pm
awts , kalungkot naman tlga pag may aalis na sobrang napamahal kna lang . ang kyut nmn nung kapatid . ohohoh . tlgang may girlfriends eh ? hehehe .
kate SAID;
April 22, 2008 at 6:03 pm
awww. ang sweet naman ng mga pinsan mo, ang kucute pa! hehe. ok lang yan, basta magkikita pa rin kayo.
Lianne SAID;
April 22, 2008 at 6:19 pm
Awww. Ang sweet naman. Favorite cousin! Haha. The cd thingy was sweet too. Ang tagal pa ng muling pagkikita niyo, matanda na nga siya by then. :3 Pero gwapo nga talaga.
Ang cute din nung kapatid niya. Basta goodbyes are never easy!!
xienahgirl SAID;
April 22, 2008 at 6:33 pm
ang gwapo gwapo
mamimiss ko rin si moshley
wait
what?!
hahaha
Noime SAID;
April 22, 2008 at 7:15 pm
pwede ko bang pakasalan yung si Moshley?
wanits SAID;
April 22, 2008 at 7:16 pm
kakatouch kayong 3. mukhang mahal na mahal mo sila lalo na si moshley.
aww pero aalis na sya.
dibali diba nga magkikita kayo 5 years? time runs fast naman eh
hehe-hehe
Anna SAID;
April 22, 2008 at 7:29 pm
OMG, ang hot! Haha, sorry that was my initial reaction.
Super cute ng eyes nila!
Palit nalang kami ng cousins mo, ako nalang titira sa US tapos sila titira na dito sa Pinas permanently!
:D
Brielle SAID;
April 22, 2008 at 10:49 pm
Awwwwwww! grabe. ang sweet talaga nila! love na love ka talaga nila nuh? Parang sa mga sinasabi nila, ang hirap nilang makitang umalis. grabe, ang cute cute ni matthew.
Linette SAID;
April 22, 2008 at 11:19 pm
ang dami talagang nagmamahal sayo ate ayiene!
ang cute naman ni Matthew! hihi ang pink ng cheeks.
karmi SAID;
April 22, 2008 at 11:53 pm
awww. si Moshley pala ung sinasabi mong pinsan mo na namimiss mo..
hay, iba talaga dyan sa pinas. gusto ko na nga ring magstay na lang dyan, kaya lang di naman pwede.
mukhang mahihirapan na naman ata akong bumalik dito kapag nakauwi na ko dyan sa june..
magkikita pa naman kayo.. 5 yrs? mabilis na lang un. ^_^
cute ng mga pinsan mo ha. ^_^ may potential pareho..
Hachiko SAID;
April 23, 2008 at 12:32 am
Ang cute naman Moshley.
Naku, gwapo yan paglaki. Hehehe.
Iba talaga magmahal ang Pinoy.
CARS SAID;
April 23, 2008 at 1:09 am
ANG CUUUUTE naman nila!! Ang cuute naman ng relasyon niyooo. :”>
Aww. Ang tagal naman nun! Five years pa! Goodluck theree.
The wait will be worth it kung ganyan ka sweet mga pinsan moo.
Sheryl SAID;
April 23, 2008 at 1:38 am
Wow… napamahal na sayo ung bata, at english speaking pala yang si Moshley. Mukha palang siyang 11yrs old..teenager na pala siya eh. nagtataka ako baket onte nalang ung agwat ng height nyo hehehe. ang tagal din ng 5yrs na un, naku… may paraan naman para makipagcommunicate sa kanila diba thru internet..so un nalang gawin nyo
si Matthew naman naglalambing after nyong masabi na “Matthew, you’re dead….” haha XD naimagine ko parang katulad din ng mga bata na ayaw malaman ng parents nila na malaman ung ginawa nilang mali kaya naman gagawa ng paraan para mapaamo/mapayag ung taong un.
naomi SAID;
April 23, 2008 at 8:22 am
Ang gwapo nya huh~
Ganyan din ako ayaw ko nang bumalik dito pero kailangan kong tposin yung grade na pinapasukan ko ngayon. Saka daw ako pedeng tumira ulet sa Pinas!~
5 years pa? Papakasalan ko pa nmn. Tsk. LOL.
Keiyt SAID;
April 23, 2008 at 10:18 am
Ang sweet naman ni Moshley at ang poging bata! HAHA. Parang bihira yung mga ganun bata na super sweet sa pinsan.
Gusto ko tuloy ng ganung pinsan din. Hihi.
Ang cute din ni Matthew. Nakaka aliw silang pareho.
Sana matuloy silang bumalik next year.
Nika SAID;
April 23, 2008 at 10:52 am
Ang sweet namaaaan.
Hay alam mo I’ve never been that close toany of my cousins. Andami kasi family issues eh. :/ Ang gwapo naman nung pinsan mong si Moshley.
jacque SAID;
April 23, 2008 at 2:44 pm
ay ang cute ni moshley akala ko girl yun pala ang poge poge.
hala 5 years? namiss ko tuloy pinsan ko, 4 years sila babalik ang tanda ko na rin, siguro di kami nyan magpapansinan since matatanda na. o.O
Karla SAID;
April 23, 2008 at 3:20 pm
Aww they’re so cute! It’s so sad talaga kapag may nagiging ka-close ka, lalo na sa family, but they have to go. And they’re so young pa, kaya they really don’t understand the separation that much. I’m sure lilipas din agad yang 5 years na yan!
Namiss ko din tuloy yung pinsan cu na nasa States na inalagaan ko.. girl naman.
Hehe. Sarap kase maging Ate, lalo na kpag mabaet ung inaalagaan noh?
je SAID;
April 23, 2008 at 7:49 pm
aww. buti ka pa sis may ka close na pinsan ako wala ee. para na bang little brother turing mu? parang ee. hihi.
Kandis SAID;
April 23, 2008 at 8:14 pm
How sweet.
Nakakatouch naman siya. Kahit ako siguro maiiyak kung ganun din mga cousins ko. ((Buti hindi sila umiiyak. :haha:)) Nakakaawa yung ganun. Parang nakaka guilty tuloy.
Pray nalang na bumalik sila ASAP.
Sherica SAID;
April 23, 2008 at 8:43 pm
Halata sa mga twits mo na miss na miss mo talaga silang. Ang cucute nila!
mnel SAID;
April 23, 2008 at 8:51 pm
awww… ang cute nila!
Camz SAID;
April 23, 2008 at 9:10 pm
Ate Labs, i can’t believe it. Ang late ko na naka comment sa post na toh. I’m sorry.
Anyways, musta ate? Nung nakita ko yung picture, reaction ko agad, “awwwww”! They look so adorable. And ang sweet naman. Grabe, ako din maiiyak pag may little kid na relative ko tapos aalis.
I can’t even imagine myself. Aw, you’ll see them soon ate. And I know na lagi ka nilang maalala kahit na magkalayo kayo..
tc ate! mwah! :*