intoxxicated.net
HOME SHE DOMAIN LINKS JUNKS SCREAM

January 19, 2008 at 7:36 pm

Encounter nga ba? :?

Ano naman nangyari sa pagdating ni President GMA? Wala, wala talagang nangyari.

Nang dumating ako sa school, marami ng body guards ang ipinadala ng palasyo. Yung mga ibang students, chinecheck yung mga bags bagomakapasok ng gate ng QueSci. Ako, hindi naman nacheck yung akin since pag pasok ko ng school, nakasakay ako sa van. Pagdating sa classroom, as expected, marami di interesado kay GMA kaya marami rin ang di pumasok sa amin. Ako, pumasok ako kasi sabi ko kay Kuya Ferbert, titignan ko kung sino mas matangkad - si GMA o si Mahal, tsaka naiintriga rin ako kung ano mangyayari sa school.

Sa building namin, sa kabilang building, sa bawat floors, sa canteen, o kahit saan ka mang pumuntang lugar sa school, may mga body guards slash mga pulis na may dala-dalang aso. Grabe ang security measures, pamatay. Lahat may dalang baril, lahat masama ang tingin sa amin - para bang naghihinala na balak naming patayin si GMA. Wag na oy, sayang sa oras. :suspicious:

Sa canteen pinakamaraming bantay, ewan ko ba pero parang mangagain ng tao yung mga guards. Grabe talaga ang mga mata nila. Tignan mo sila, titignan ka rin nila with matching masamang mukha pa. :scared: Tapos kami,kapag nilalait namin si President, quiet conversation lang, aba, baka kami barilin ng bodyguards niya noh. Oh my gulay!

Mga 2PM, pinapila na ang mga second years sa court kasi yung building nila di masyado matatanaw ni GMA kaya sila ang inilagay sa court. Kami naman, nagstay sa building namin since tanaw naman kami. So ayun, akala namin dadating na siya ng 2PM since parami-rami na rin ang mga white vans na dumadating. Nandun na rin ang ABSCBN, GMA7, NBN at mga iba pang politicians. Pero, yun pala, 3PM pa siya dadating, eh kami naman na excited-kuno, nawala ang excitement. So ayun, naghintay pa kami ng tumataginting na isang oras. Mga 3:15 PM, dumating na siya. Sunud-sunod na ang mga motor na may pulis, mga vans na pinapagitnaan ang presidenial car na Mercedes na may kurtina para di makita na si GMA ang nasa loob. Bumaba na si GMA sa kanyang black car, humiyaw kami pero ang masama doon, ni hindi man lang niya kami sinulyapan. Pusta ko, di niya kami nakita. Nakita ko naman siya kahit papaano. Nakita ko ang kanyang likod at ang kanyang ulo at konti ng kaniyang mukha. Dalawa lang sigurado ko - orange ang damit niya at maliit siya.

Nung dumating siya, bigla nagkaroon ng klase ang isang section - scripted discussion. Para lang makita ni GMA kung paano ang pagtuturo sa QueSci. Tapos dumiretso siya sa Conference Hall. Hindi ko alam kung ano nangyari dun. So anyways, pumunta kami ng canteen after namin makita si GMA.

[Private Content Removed] Log-in or Register to read private content.

Sa measurement1 mga thirty minutes lang nagstay si GMA dun. Di siya agad nakalabas ng school since may nagrarally sa labas. At ito ang astig,teacher namin sa Economics ang nangunguna sa rally! Oh baby! Idol talaga si Sir Bacabac!

Maraming students na nagsasabi na napakaplastic ng school namin kasi iyon nga, sobra naming pinaghandaan ang pagdating niya tapos kunwari almost all of us gusto si GMA pero ang totoo di naman masyado. Pero sa tingin ko, naipit lang talaga school namin sa sitwasyon na yun at kailangan naming pangalagaan ang pangalan ng QueSi. So, bakit nga ba nandun si Madame? Kasi bumibisita siya sa mga school ng bawat city ng NCR, school namin ang napili as a representative for Quezon City.

Sabi ng Journalism people2 , sobrang liit daw niya. Ako, 5 feet lang tapos si Pam3 sabi mas malaki pa siya kay GMA. Mga hanggang ilong lang daw niya tapos take note daw, naka-heels pa si GMA nun ah.So anong height na niya? Super liit talaga.

Kuya Ferbert, I therefore conclude, mas malaki si Mahal. Ay joke, siyempre si GMA pero ilang inches lang. HAHA. :D

  1. measurement daw oh! []
  2. sila lang kasi ang nakameet and greet kay GMA []
  3. Journ din siya, mas maliit din sa akin []


Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


36 Responses to “The PGMA Encounter.”

  1. My Gravatar
    Jamaela SAID;
    January 19, 2008 at 8:23 pm

    Sagad to the bones! Phew! Nakakaloka ang mga pulis.. Hmf. Sana karmahin din sila. Ngayon ko din lang nalaman na mas matangkad pa pala si GMA kaysa kay Mahal. Hekhek!

  2. My Gravatar
    Kandis SAID;
    January 19, 2008 at 8:26 pm

    Ate Ays, *naks :haha:
    Marami talagang may ayaw sakanya nuh? Halos wala na ata talagang may gusto sakanya. Puro plastikan nalang.:P Pero bakit naman ganun yung mga body guards niya. Ang sasama ng ugali. Che! Akala mo naman kung sinong napaka bait. If I know, gusto na nilang barilin yung president. :haha: *kidding Ang sungit naman nila. Hello! Gaya nga ng sinabi mo, waste of time ang pag baril kay PGMA. :D Matutulog nalang ako. :haha:

  3. My Gravatar
    FerBert SAID;
    January 19, 2008 at 8:32 pm

    waaaah! sana nagrally ako labas ng school nyo.. babatuhin ko sya ng bugok na itlog.. haha.. halatang galet kay gloria eh no… mas malaki pala sya kay mahal.. sayang balak ko pa naman syang ilagay sa plastic bag.. haha.. Plastic bag ha, hindi sako, sa plastic bag ko sya ilalagay kase napakaplastic nya…

  4. My Gravatar
    Honeul SAID;
    January 19, 2008 at 10:12 pm

    I see,, so talagang maliit sya. bwaahah..
    nakaka-tense naman nun, bodyguards.. dapat hindi mo tinignan..
    buti ba kung may hunk na bodyguards.. susko.. heheh

    wow, sosyal ng teacher nyo ha.. nangunguna pa sya sa rally!! buti di sya pinagbawalan ng school nyo?

  5. My Gravatar
    Noime SAID;
    January 19, 2008 at 10:13 pm

    kapag si PGMA pumunta ng school namin, hahayaan ko siya. haha. hindi kami close eh kaya bahala siya. :haha:

    anyways, nagregister ako sa blog mo ah! hehe. comment na lang ulti ako pagnabasa ko na ( kung oklng sayo ) kaso baka sa wednesday na yun, may hebigat kaming exams dis week eh. hehehe. labyuh mare! ;)

  6. My Gravatar
    MaLiN SAID;
    January 19, 2008 at 11:48 pm

    Ahaha! Nakakatawa naman yung height analysis mo.

  7. My Gravatar
    xienahgirl SAID;
    January 20, 2008 at 1:02 am

    pambihira
    7 + 8
    di ko pa alam
    einubeh
    :)

    hmm
    kung ako
    baka mastarstruck ako
    kapag nakita ko si PGMA
    titignan ko
    kung totoo ba talaga nunal niya
    :)

  8. My Gravatar
    claire SAID;
    January 20, 2008 at 9:08 am

    titignan ko kung sino mas matangkad - si GMA o si Mahal, tsaka naiintriga rin ako kung ano mangyayari sa school.

    :haha: :haha: :haha:
    gaga ka talaga. HAHAHHAHAHA!
    Tawa ako ng tawa dito!!! NYAHAHA!
    balik ako maya, register ako oki? mwah! :heart:

  9. My Gravatar
    irzh SAID;
    January 20, 2008 at 10:58 am

    katuwa naman yung sa height thingy.. caw ah bad2.. :haha:

  10. My Gravatar
    JAE SAID;
    January 20, 2008 at 11:58 am

    Lahat may dalang baril, lahat masama ang tingin sa amin - para bang naghihinala na balak naming patayin si GMA. Wag na oy, sayang sa oras. :suspicious:

    LOL. Natawa naman ako dun sis. Ahaha. Grabe naman yung mga guards!! Tsk tsk.

  11. My Gravatar
    dee SAID;
    January 20, 2008 at 2:31 pm

    c ms. president pmnta sa school mo..
    hehe..
    may mga nag rally pa tlga..
    awow!

  12. My Gravatar
    michelle SAID;
    January 20, 2008 at 4:49 pm

    “Tapos kami,kapag nilalait namin si President, quiet conversation lang, aba, baka kami barilin ng bodyguards niya noh. Oh my gulay!”

    ~ Hahaha. :)) adik. dapat tinry niyong manlait ng malakas, tignan niyo kung anong reaction ng mga guard. Nyaha! :))

    ay, ang plastik nga, scripted discussion pa talaga? what. :|
    hehe. :P

  13. My Gravatar
    Khayte SAID;
    January 20, 2008 at 5:17 pm

    Naenjoy aq sa kwento mu ah.. Haha, mas mtngkad p pla tlga c Mahal eh noh? xD

  14. My Gravatar
    pam SAID;
    January 20, 2008 at 5:40 pm

    talagang si mahal at si gma eh. hehehehe. :evil: super excited naman. :haha: ang tagal in fairness, paimportante. hehe. :D

  15. My Gravatar
    Mina SAID;
    January 20, 2008 at 5:47 pm

    haha. tantsa ko eh mas malaki lang cguro si gma ng mga 1 inch kay mahal hehe! so ayun. hehe, nakakaaliw kwento mu hehehe :haha:

  16. My Gravatar
    WANITS SAID;
    January 20, 2008 at 9:31 pm

    ang sarap bshin ng post na ito.. nakakatawa. meaning? maliit na maliit na sobrang liit na NAPAKA liit, superb, hyper, ever liit nya? 5′1 ako dude. grabe sya. GRABE. at ang security, nakaka baliw! parang.. OMG. pag nbsa nila ang comment kong ito bka ipakulong ako ng may death sentence. hahaha! :D grabe ‘to ‘tol! hehe ..

  17. My Gravatar
    jacque SAID;
    January 20, 2008 at 9:49 pm

    grabe bodyguards talag ano? haha… isali ba si mahal? naku pag narinig yan ni GMA. haha..

  18. My Gravatar
    cars SAID;
    January 20, 2008 at 10:43 pm

    wow. nabobo ako sa spam protection! ano daw! 7 + 9! hahaha.

    nameet ko na dati si GMA! at akalain mo ba namang mas matangkad pa ko! sana lagi ko na lang siyang kasama! I feel tall! LOLZ.

  19. My Gravatar
    abad SAID;
    January 20, 2008 at 11:54 pm

    Ayos tong comment box mo may addition pa dapat, muntik na akong di makapag comment. schoolmate mo pala si fer bert, tao pala siya talaga. ako hindi ko din naman masyadong gusto si gma pero pag nakita ko siya makikipagplastikan din ako.

  20. My Gravatar
    Gayle SAID;
    January 21, 2008 at 5:34 am

    Kami nga na nasa Mendiola ang school sobrang sanay na sa rally minsan nabibigyan pa kami ng leaflets eh. When it comes to PGMA I am in the middle kasi wala naman ako kinakampihan sa kanila. Sa Lrt meron mga ganyang guards with mga aso pa. Woot!~ Scripted lesson! :haha:

  21. My Gravatar
    honney SAID;
    January 21, 2008 at 7:43 am

    hay naku, buti na lang at di ko pa nakita yang si GMA! kundi…naku! hahaha. ewan.

  22. My Gravatar
    gyk SAID;
    January 21, 2008 at 10:59 am

    hay naku. kahit nung dumating si pgma sa school namin. dec yun. kalat kalat yung mga psg, parang may war. hahaha.

    and napakaplastic din ng school namin. ang daming giant parols na uber ganda sa may garden namin. pero nung after a week nung umalis siya.. poof! wala na sila. hahaha :angel:

  23. My Gravatar
    kate SAID;
    January 21, 2008 at 3:56 pm

    weh. nag-check pa ng bags? grabe naman, lalo na yung guards na yun. parang tuloy may matinding scandal na nangyari sa school. :scared:

    idol talaga si sir jack! :))

    ang liit nga ni gma. parang may nakita lang ako na kapirasong orange na tela! :haha:

  24. My Gravatar
    andrea SAID;
    January 21, 2008 at 4:34 pm

    ay grabe naman yan! kumsta naman si gma? LOL. haha. wooahh for the security measures. as in ganun. may mga chuvaness pang pagchcheck ng bags and everything?! ay grabeee.

    grabe ung preparation nyo. lol. hehe.scripted discussion, astig. hehe. nagspeech ba si gma? haha. aba may rally pa! astig! ano nirarally nila? hehe. dami ko tanong. anliitttt nya naman kung ganun. as in maliitttt!! whaat. haha. grabe gusto ko tuloy sya makita dahil lang ng height nya. haha. joke. lol.

    ingat ate ayiene.. mwah!

  25. My Gravatar
    Karen SAID;
    January 21, 2008 at 6:58 pm

    lols. I hate GMA. no offense sa mga fans nya. Period.

    anyways, hahaha.. mga bodyguards! lols.. sarap pukpukin. hohoh.. naku! haha

    madami talagang plastic na schools pag anjan si gma.. pero pag wala na.. ayun.. haha.. pero natawa ako sa prof mo ha! sya pa nanguna hahaha..

  26. My Gravatar
    Aisha SAID;
    January 21, 2008 at 8:34 pm

    hehe
    d nmn sa i hate GMA or something
    but.. nko papansin lng yan lolzzz

  27. My Gravatar
    Karla SAID;
    January 21, 2008 at 10:27 pm

    That must have been quite an experience! I’m really not sure as to which side of the political fence I’m on, but still, that was THE President of the Philippines. :) But I bet if anyone tried to do something bad to her, they’d fail because she’s too small, they won’t see her. Haha.

    I remember my GMA experience, way back in Grade 4, I think, in the Leadership Training we had. It involved all the Paulinian leaders from all over the Philippines, and we ate breakfast at Malacanang. But since i was young then, all I can remember was how yummy the eggs and bangus were, and that the President wore a blue suit. Yun lang. Nyak.

    Good luck on your upcoming tests!! :)

  28. My Gravatar
    Holy Kamote SAID;
    January 21, 2008 at 11:36 pm

    “Lahat may dalang baril, lahat masama ang tingin sa amin - para bang naghihinala na balak naming patayin si GMA. Wag na oy, sayang sa oras. :suspicious:”

    hanep sa banat. natawa talaga ako.

  29. My Gravatar
    Kath SAID;
    January 22, 2008 at 12:19 am

    bwahaha so ano na ngayon ang conclusion mas matangkad ba si mahal??
    hehe pero one thing for sure, at least mas nakakatuwa si mahal XP

  30. My Gravatar
    Sheryl SAID;
    January 22, 2008 at 1:00 am

    nyahaha nakakatuwa ka naman sis, interesado lang para makita ung height e nu?! naku delekado aman un kung magsalita ka ng masama bout kay PGMA, lalo na sa harap ng body guards nya, panigurado nilaplap ka na ng mga aso tapos may baril pa haha.. wow..SUPER tangkad ha, lolz sa kabaliktaran, may heels pa siya sa lagay na un? anti-PGMA din kasi ako eh …

  31. My Gravatar
    angelicbear SAID;
    January 22, 2008 at 2:30 am

    :haha: kakatawa! i so love the TITLE.. PGMA ENCOUNTER! prang title sa movie..hohoho.
    :D at may conclusions pa…hhaaaaaaayz.tulo na luha qow sa TAWA!
    ang cute!! :pretty: nyahahaha..keep safe!
    pwede ba LINKS exchange tyo? :?
    thanks.wait qow sa approvals m! :)

  32. My Gravatar
    hanmae SAID;
    January 22, 2008 at 2:42 pm

    haha. ang takte. lmao. nakita ko na si gma ng dalawang beses. akoy 4′10 lang. feeling ko magkaheight lang kami. kaya ata minsan pag kaharap mo siya di mo talaga mapaniwalaan na presidente. ang liit ba naman. lmao. ingat lagi!

    ay, magkalink na ba tayo? link ex?

  33. My Gravatar
    Sherica SAID;
    January 22, 2008 at 5:00 pm

    Wooott nakakatawa naman at yung teacher niyo pa sa economics nanguna sa rally wahahaha. I dont like GMA lol and grabe ah anu kaya height nia.

  34. My Gravatar
    Jeniffer SAID;
    January 22, 2008 at 6:31 pm

    lets just do the changes to ourselves, wala na naman tayo magagawa.. :?

  35. My Gravatar
    liza SAID;
    January 23, 2008 at 1:12 am

    Oi grabeh ganun na pala dyan? haha kaloka ka ayiene
    tingana daw oh kung sino mas matakangkad sa kina gma or mahal hahaha lol that cracks me up.
    Ano nanaman ng yari sa abs at gma7? lol balita ko kasi nagkakagulo hahha

  36. My Gravatar
    Chris A SAID;
    February 4, 2008 at 10:11 pm

    Ahoy Proud Pinoy…
    Well wala naman talgang masyadong magbabago kung bibisita sya.
    Ok pa sana kung nagpamudmud sya ng mga kuraquotes nila heheheh (bad!) joke lang. Mas pupunta pa ko kung ang pumunta pa eh sila Ogie Alcasid, Vic Sotto o Michael V (anak ng bakyang nakya nuh?)

    Hope to befriend you too and nice article.
    Hope you can drop by my page din…
    http://cmaquest.blogspot.com

POST A COMMENT.